40-42 °C HEAT INDEX SA COTABATO CITY Naitala mula Lunes, April 6 hanggang ngayong araw ng Biyernes, April 10
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Naglalaro sa 40 hanggang 42 degrees Celsius ang heat index na naitala mula Lunes hanggang ngayong Biyernes, ayon sa pamunuan ng DOST-PAGASA Cotabato Station.
Sa kasalukuyan, nasa El Niño watch status pa rin ang bansa, kung saan inaasahan ang mas kaunting pag-ulan at mas mataas na temperatura sa mga susunod na araw.
Dagdag pa ng ahensya, bagamat nasa El Niño watch, hindi pa rin nawawala ang posibilidad ng pagpasok ng iba’t ibang weather systems sa BARMM region.
Sa kabila ng matinding init, hindi naman ito alintana ng ilang residente na patuloy na naghahanapbuhay, gaya ng isang vendor na si Nor.
Nagpaalala naman ang DOST-PAGASA sa publiko na mag-ingat laban sa matinding init.
Samantala, may nabuo nang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR na posibleng pumasok sa bansa sa susunod na linggo.
Para sa pinakabagong update ukol sa heat index at iba pang lagay ng panahon, pinapayuhan ang publiko na bisitahin ang official page ng PAGASA Cotabato Station at ang kanilang website na http://pagasa.dest.gov.ph/weather/heat-index



Comments