40°C- 41°C HEAT INDEX naitala sa Cotabato City ngayong araw base sa datos ng DOST-PAGASA
- Apr 6
- 1 min read
iMINDSPH

Mas mataas kaysa sa karaniwang temperatura na 35-36 degree Celsius ang naitala sa lungsod ng Cotabato ngayong araw.
Base sa datos ng DOST-PAGAS, pumapalo sa 40-41 degree Celsius ang heat index ngayong araw at na magtutuloy pa umano bukas, kaya’t pinapayuhan ang publiko na mag-ingat sa labis na init.
Mahigit na minomonitor ng Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office ang heat index
Dagdag pa ni Jose, kapag umabot sa 40-41 degree Celsius ang heat index, ito ay tinatawag nilang extreme caution at maaring makaapekto sa kalusugan.
Ipinaalala rin ang panganib kapag umabot sa 42-51 degree Celsius, gaya ng nangyari sa GenSan noong nakaraang taon na umabot sa 50 degrees. Kung umabot naman sa 52-53, ito ay extreme danger ayon sa heat index card ng CDRRMO.
Ayon kay Jose, ang mainit na panahon ay bunga ng dalawang magkasanib na kondisyon: ang habagat o southwest monsoon at ang summer season, pinalalala ng climate change at kakulangan ng mga puno.
Nagbigay din ang CDRRMO ng tips upang maiwasan ang epekto ng init
Patuloy rin ang monitoring ng CDRRMO sa weather updates at heat index, kasama ang PAGASA substation sa Cotabato City, at bukas ang hotline at opisina para sa anumang emergency kaugnay ng heat-related incidents.



Comments