top of page

$400M pondo ipinangako ng ADB para suportahan ang mga proyekto ng gobyerno ng bansa sa Mindanao at Palawan na may kaugnayan sa “blue economy” ayon kay BARMM ICM Abdulraof Macacua

  • Diane Hora
  • May 29
  • 1 min read

iMINDSPH



Masayang ibinahagi ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua na 400 million dollars na pondo ang ipinangako ng Asian Development bank para suportahan ang mga proyekto ng gobyerno sa Mindanao at Palawan na may kaugnayan sa “blue economy”.



Ito’y matapos ang 16th BIMP-EAGA Meeting sa Malaysia na kanyang dinaluhan na bahagi ng isinasagawang ASEAN summit kung saan kabilang siya sa mga delegado ng bansa.



Sa puntong ito aniya ay mas maraming pwedeng ilaan na pondo sa mga lugar sa Mindanao lalo na sa mga coastal areas sa BaSulTa lalo’t malaki aniya ang potensiyal ng Tawi-Tawi, Sulu at Basilan pagdating sa seaweed farming, pangingisda, at island tourism.


Ibig sabihin ayon sa opisyal, mas maraming tulong para sa mga mangingisda, seaweed farmers, mga kababaihan, mga kabataan, at mga gustong pumasok sa marine-based na negosyo o trabaho.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page