41 DEGREES CELSIUS HEAT INDEX Naitala sa Cotabato City ngayong araw; monitoring sa mga paaralan sa lungsod na may pasok pa mahigpit na isinasagawa ng CDRRMO sa gitna ng nararanasang matinding init
- Apr 7
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigpit ang monitoring sa mga lugar at sektor na apektado ng matinding init.
Kasabay ng mataas na heat index, pinaigting din ng CDRRMO ang pagbibigay ng impormasyon sa publiko, hindi lamang sa usaping kalamidad kundi maging sa kalusugan. Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan sa 27 barangay sa lungsod upang agad matugunan ang anumang insidente na may kaugnayan sa init ng panahon.
Isinagawa rin ang monitoring sa ilang paaralan, partikular sa mga private school na may klase pa. Ayon sa CDRRMO, karamihan sa mga silid-aralan ay maayos ang bentilasyon o may air conditioning, habang ang iba ay nagpatupad na ng mas maikling oras ng klase bilang pag-iingat sa kalusugan ng mga estudyante.
Sa kabila ng matinding init, patuloy pa ring kumakayod ang ilang manggagawa sa lungsod. Tulad ni Johari, na hindi alintana ang init para matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Samantala, patok naman sa mga mamimili ang malamig na inumin tulad ng buko juice, calamansi, at pineapple juice bilang panlaban sa init. Ayon sa isang vendor na si May, mabenta ang buko juice tuwing tag-init.
Patuloy namang pinapaalalahanan ang publiko na uminom ng sapat na tubig, umiwas sa matagal na pagbabad sa ilalim ng araw, at agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad sakaling makaranas ng sintomas na dulot ng matinding init.



Comments