top of page

42 anyos na lalaki na kabilang sa High-Value Drug Suspect, arestado sa Cotabato City sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad

  • Teddy Borja
  • Oct 8
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Timbog ang isang High Value Individual matapos maaresto sa buy-bust operation


Inaresto ang suspek alas 4:40 ng hapon araw ng Martes, Oktubre 7, 2025, sa San Francisco Street, MB Tamontaka, Cotabato City.


Ang operasyon ay pinangunahan ni PCPT Kenneth Van Encabo, Station Commander ng Police Station 3, sa pakikipag-ugnayan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) BARMM.


Kinilala ang suspek bilang si alias “Samir”, 42 taong gulang, may asawa, empleyado, at residente ng nasabing lugar. Siya ay itinuturing na High-Value Target (HVI) sa kampanya laban sa ilegal na droga.


Batay sa talaan ng pulisya, si alias “Samir” ay naaresto na rin noong Oktubre 17, 2023 dahil sa paglabag sa Section 5, 11, at 15 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Ang muling pagkakaaresto kay alias “Samir” ay patunay ng patuloy na determinasyon ng Cotabato City Police Office (CCPO) na supilin ang kalakalan ng ilegal na droga sa lungsod sa pamamagitan ng mahigpit na operasyon at koordinasyon sa mga kaukulang ahensya.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page