top of page

42-anyos na lalaki na nahaharap sa kasong may kinalaman sa iligal na droga at kabilang sa Top 2 Most Wanted ng Midsayap, Cotabato, arestado

  • Teddy Borja
  • 3 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Matagumpay na naisilbi ng CPPO Tracker Team ang Warrant of Arrest laban kay alyas “Ran”, residente ng Brgy. Poblacion 3, Midsayap, Cotabato.


Ang nasabing warrant ay inilabas ng Regional Trial Court ng Midsayap, Cotabato, para sa paglabag sa Article 2: Sections 11 at 12 ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa ilalim ng Criminal Case Nos. 25-276 at 25-277 na may petsa na October 3, 2025.


Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.


Isinailalim na ang suspek sa mandatory physical at medical examination at ihaharap sa korte na naglabas ng warrant para sa pagpapalabas ng commitment order upang ipagpatuloy ang legal na proseso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page