top of page

43-anyos na magsasaka at 47 taong gulang na CAFGU member, timbog sa intel-driven operation ng awtoridad sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte

  • Jan 7
  • 1 min read

iMINDSPH


Arestado ang isang miyembro ng CAFGU at isang magsasaka sa ikinasnag intel-driven operation ng awtoridad.


Kinilala ang 43-anyos na magsasaka sa alyas na “Bon”, habang tinukoy naman ng awtoridad sa alyas na “Mus” ang 47 taong gulang na CAFGU member.


Ala-7:00 kagabi nang makatanggap umano ng impormasyon ang awtoridad hinggil sa pagdadala umano ng ilegal na droga mula sa bayan ng Talitay patungong Barangay Taviran ng Datu Odin Sinsuat na kinasasangkutan ng dalawang suspek sakay ng motorsiklo.


Bunsod nito, agad nagsagawa ng intel-driven operation ang mga tauhan ng Municipal Police Station sa pangunguna ni PCPT Rustan Deano, Deputy Chief of Police, sa ilalim ng direktang superbisyon ni PLTCOL Esmael Madin, Chief of Police, katuwang ang mga tauhan ng 1st Mechanized Infantry Battalion, Opcon ng 6th Infantry Division, Philippine Army.


Habang isinasagawa ang operasyon sa Sitio Seput, Brgy. Baka, matagumpay na napahinto ang isang pulang motosiklo na minamaneho ng magsasaka, kasama ang backrider na CAFGU member.


Sa search, nakuha sa mga ito ayon sa awtoridad ang isang (1) sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na humigit-kumulang 3 gramo at tinatayang halagang ₱20,000.00, isang (1) glass tooter, isang (1) gunting, motorsiklo, isang (1) unit ng cellphone, at isang bag.


Agad dinala ang mga ito sa himpilan ng pulisya para sa tamang disposisyon at karagdagang imbestigasyon. Ang mga nakumpiskang ebidensiya ay ipinadala sa RFU-BAR para sa laboratory examination, habang ang mga suspek ay isinailalim sa drug test examination.


Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa R.A. 9165 para sa inquest proceedings sa tanggapan ng Provincial Prosecutor.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page