44-anyos na babae na Top 5 Most Wanted ng Maguindanao del Norte, arestado sa bayan ng Upi
- Teddy Borja
- Sep 11
- 1 min read
iMINDSPH

Napasakamay ng mga tauhan ng Upi Municipal Police Station ang 44-anyos na babae na Top 5 Most Wanted ng lalawigan.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Jona”, residente ng Sitio Upper Mirab, Barangay Mirab.
Inaresto ito alas 9:30 ng umaga, araw ng Miyerkules, September 10 matapos ikasa ng joint tracker team ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng
Presiding Judge ng RTC Branch 13, Cotabato City na may petsa na Setyembre 3, 2025.
Itinakda ng korte ang piyansa sa halagang P120,000.
Nasa kustodiya na ng Upi MPS ang naarestong suspek para sa kinakailangang dokumentasyon, booking procedure, at nararapat na disposisyon.



Comments