₱440K halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam sa Barira, Maguindanao del Norte; Isang lalaki, arestado sa joint checkpoint operation
- Jan 6
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang lalaki matapos makumpiska ang mahigit 400 thousand pesos na hinihinalang smuggled cigarettes sa ikinasang operasyon ng awtoridad. Isinagawa ang joint checkpoint operation bandang 1:40 ng madaling araw, January 5, 2026
Naharang ang isang Mazda Town Ace na minamaneho ng suspek na si alyas "Obi", 38 taong gulang, may asawa, at residente ng Maladeg, Picong, Lanao del Sur.
Nabigo ang suspek na magpakita ng kaukulang dokumento, dahilan para siya ay arestuhin sa paglabag sa Republic Act 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act.
Nasamsam mula sa kanyang sasakyan ang iba’t ibang klase ng sigarilyo na may tinatayang kabuuang halaga na ₱440,000.
[GRAPHICS]
Pitong (7) kahon ng FORT White
Labindalawang (12) kahon ng FORT Black
Dalawang (2) kahon ng New Far
Dalawang (2) rim ng FORT White
Dalawampung (20) rim ng FORT Black
Tatlumpung (30) rim ng New Far
Dinala ang suspek sa Barira Municipal Police Station para sa booking, at karagdagang dokumentasyon, habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.



Comments