top of page

46-anyos na lalaki na Top 10 Most Wanted ng PNP PRO 12, arestado sa Tacurong City

  • Teddy Borja
  • 5 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Napasakamay ng awtoridad ang Top 10 Most Wanted Person ng PNP PRO 12 na nahaharap sa kasong may kinalaman sa iligal na droga


Kinilala ang suspek sa alyas na “ Long Hair”.


Inaresto ito ng pinagsanib na pwersa ng Tacurong City Police Station, Sultan Kudarat Police Provincial Office, and CIDG Sultan Kudarat PFU, ala 5:15 ng hapon, araw ng Martes, September 16, 2025.


Hinuli ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Ang Warrant of Arrest ay inisyu ng RTC, Branch 20, Tacurong City na may petsa na January 20, 2017.


Nasa kustodiya na ng Tacurong CPS ang supsek para sa proper disposition.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page