46°C HEAT INDEX Naitala pa rin sa Cotabato City ngayong araw
- Apr 14
- 1 min read
iMINDSPH

Ayon sa DOST-PAGASA Cotabato Sub-Station, ang patuloy na pag-iral ng easterlies ang isa sa pangunahing dahilan ng mataas na temperatura sa rehiyon.
Dagdag pa ng PAGASA, ang heat index ay hindi araw-araw na pare-pareho dahil may iba’t ibang dahilan na tinitignan tulad ng cloud cover, ulan, at hangin.
Ayon pa sa ahensya, mas ramdam ang init tuwing tanghali hanggang hapon, habang ang ulan ay kadalasang panandalian lamang.
Aasahan pa ang mas mainit na panahon ngayong Abril at Mayo, kasabay ng pagpasok ng dry season.
Ibinahagi naman ng isang isang health worker sa lungsod ang ilang tips at epekto ng matinding init sa kalusugan, lalo na sa mga bata at matatanda.
Sa kabila ng matinding init, patuloy pa rin ang hanapbuhay ng ilang manggagawa, tulad ng isang habal-habal driver na si Mangandamin Ginday na tubig ang pangunahinh kasangga sa mainit na panahon.



Comments