๐๐ข๐ ๐ก-๐ฉ๐ซ๐จ๐๐ข๐ฅ๐ ๐๐ฎ๐ ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐, ๐ง๐๐๐ซ๐๐ฌ๐ญ๐จ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐๐ง๐ก๐ฎ๐ง๐ญ ๐จ๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง; ๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ข๐ฉ๐ฅ๐ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐ญ๐ฌ ๐จ๐ ๐ฆ๐ฎ๐ซ๐๐๐ซ, ๐ค๐ข๐ง๐๐ค๐๐ก๐๐ซ๐๐ฉ ๐ง๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฉ๐๐ค
- 3 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Naaresto na ang isang high-profile fugitive na nahaharap sa multiple counts of murder, matapos ang manhunt operation ng Criminal Investigation and Detection Group at iba pang yunit ng pulisya.
Ang suspek ay itinuturing na National Most Wanted Person na may nakalaang pabuya na โฑ425,000.00. Inaresto ito sa bisa ng anim na warrant of arrest na inilabas ng mga hukuman sa General Santos City, kaugnay ng 4 counts of murder at 2 counts ng paglabag sa Republic Act No. 9165.
Ayon sa imbestigasyon, matagal na umanong nagtago ang suspek matapos tumakas mula General Santos City. Sa pamamagitan ng koordinasyon at intelligence sharing ng mga operatiba, natunton at naaresto ang suspek.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at ihaharap sa tamang hukuman para sa kaukulang disposisyon.



Comments