468 IFTAR MEALSIpinamahagi ng FAST program ng PROJECT TABANG sa Tawi-Tawi at Sulu
- Mar 10
- 1 min read
iMINDSPH

Patuloy ang pamamahagi ng pagkain sa mga komunidad ng Bangsamoro government sa ilalim ng Food Assistance for Special Traditions (FAST), isang sub-program ng Humanitarian Response and Services ng Project TABANG, bilang bahagi ng Ramadhan outreach ngayong taon.
Noong Marso 7, 2026, kabuuang 468 packed iftar meals ang ipinamahagi sa limang masjid sa Tawi-Tawi at Sulu upang suportahan ang mga Muslim na nag-aayuno sa panahon ng banal na buwan ng Ramadan.
Isinagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng Office of the Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua, bilang bahagi ng patuloy na layunin ng pamahalaang Bangsamoro na magbigay ng agarang tulong sa mga komunidad sa rehiyon.
Pinangasiwaan ito ni Project Manager Brahim Lacua ang koordinasyon sa mga partner agencies at community leaders upang matiyak ang maayos at napapanahong pamamahagi ng pagkain sa mga benepisyaryo.
Sa Tawi-Tawi, apat na masjid ang nakatanggap ng kabuuang 348 packed meals sa pakikipagtulungan ng BPMA Bongao Port at ng 12th Marine Rifle Battalion.
Ang mga benepisyaryong masjid ay:
• Masjid Kasanyangan – Tubig Tanah, Bongao
• Masjid Tongsinah – Tongsinah, Bongao
• Masjid Kapunan – Poblacion, Panglima Sugala
• Masjid Arsafria – Lapid-Lapid, Bongao
Samantala, 120 packed meals naman ang ipinamahagi sa Masjid Kasalamatan sa San Raymundo, Jolo, Sulu.
Ayon sa mga tagapagpatupad ng programa, layunin ng FAST at Project TABANG na patuloy na maghatid ng tulong sa mga komunidad ng Bangsamoro, lalo na sa panahon ng Ramadan, upang maipadama ang diwa ng pagkakaisa, malasakit, at pagbabahagi ng biyaya sa buong rehiyon.



Comments