₱47.6 MILLION SUSPECTED SHABU Nakumpiska ng awtoridad sa buy-bust operation sa Zamboanga City; 3 high-value indivinduals, arestado
- Apr 20
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Zamboanga City—
Nasamsam ang ₱47.6 milyon na halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng PNP at PDEA. Arestado naman ang tatlong high-value individuals. Ang mga naarestong suspek ay kabilang sa high-value drug personalities na ngayon ay nasa kustodiya ng Police Station 4, Zamboanga City Police Office.
Narekober sa opearasyon ang tinatayang 7,000 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱47,600,000.00, kasama ang buy-bust money at iba pang non-drug items.
Isinagawa ang operasyon, araw ng Biyernes, April 17, nang pinagsamang pwersa ng Police Station 4, City Intelligence Unit, City Intelligence Division Management Unit ng Zamboanga CPO, Regional Intelligence Division 9, S2 ng Regional Mobile Force Battalion 9, 1st Special Operations Unit ng PNP Maritime Group, at PDEA Regional Office 9.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek.



Comments