top of page

₱47 MILLION SUSPECTED SHABU, NASAMSAM sa anti-illegal drug operation sa Quezon City; 3 high-value individuals, timbog sa operasyon kung saan 2 sa mga ito ay residente ng Datu Piang, Maguindanao del Su

  • Apr 10
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa Quezon City—

₱47 million halaga ng hinihinalang ilegal na droga ang nasamsam ng awtoridad sa isinagawang buy-bust operation. Arestado rin sa operasyon ang tatlong high-value individuals, dalawa sa mga ito ay residente ng Datu Piang, Maguindanao del Sur at Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Ariel”, 31 anyos, driver at residente ng Datu Piang, Maguindanao del Sur; alyas “Eduard”, 38 anyos, walang trabaho at residente ng Camarines Sur; at alyas “Ibrahim”, 45 anyos, driver at residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.


Isinagawa ang buy-bust operation ng PDEA RO-NCR katuwang ang PNP Drug Enforcement Group – Special Operations Unit NCR.


Sa naturang operasyon, nakabili ang poseur buyer ng hinihinalang shabu at narekober ang pitong pakete na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 7,000 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng ₱47,600,000.


Agad na inaresto ang mga suspek matapos ang transaksyon, at sa isinagawang search, narekober ang buy-bust money na nagkakahalaga ng ₱1,000, mga identification card, mobile phones, at isang sasakyan.


Sasailalim sa medical at drug test ang mga suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 laban sa kanila.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page