47 workers’ associations, tumanggap ng livelihood grants mula sa MOLE BARMM
- Diane Hora
- Sep 3
- 1 min read
iMINDSPH

Sa ilalim ng Bangsamoro Rural Employment through Entrepreneurial Development (BREED) program ng Ministry of Labor and Employment (MOLE), umabot sa 47 workers’ associations ang nakatanggap ng livelihood grants.
Isinagawa ang ceremonial distribution sa MOLE Zamboanga Satellite Office noong August 27 katuwang ang Office of MP Don Mustapha Loong, na siyang naglaan ng pondo sa pamamagitan ng kanyang Transitional Development Impact Fund (TDIF).
Sa kabuuang bilang ng mga grantees, 24 ay mula sa Sulu, 15 mula sa Basilan, 5 mula sa Tawi-Tawi, 2 mula sa Cotabato City, at 1 mula sa Lanao del Norte.
Bawat asosasyon ay tumanggap ng ₱150,000 bilang tulong pinansyal upang pondohan ang kanilang community-based livelihood projects at makapagbigay ng mas sustainable na oportunidad para sa kanilang mga miyembro.



Comments