top of page

₱470K SMUGGLED CIGARETTES, NASAMSAM Sa ikinasang checkpoint operation ng awtoridad sa Matanog, Maguindanao del Norte; 2 driver, arestado sa operasyon

  • Mar 11
  • 1 min read

iMINDSPH



Unang naaresto ang isang 35 taong gulang na driver mula Zamboanga City na nagmamaneho ng SUV.


Sa inspeksyon ng sasakyan, nadiskubre ng mga awtoridad ang 350 reams ng hinihinalang smuggled cigarettes na may tinatayang halagang ₱299,488.


Ilang minuto lamang ang lumipas nang mahuli rin ang isa pang kotse na minamaneho ng 25 taong gulang na lalaki mula Davao City.


Dito naman narekober ang 200 reams ng hinihinalang smuggled cigarettes na may tinatayang halagang ₱171,136.


Agad dinala ang dalawang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Matanog Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at paghahain ng kaso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page