48-anyos na lalaki, arestado sa Matalam, Cotabato habang nagbababa ng mga hinihinalang puslit na sigarilyo
- Teddy Borja
- Sep 19
- 1 min read
iMINDSPH

Huli din habang nagbababa ng mga kahon ng smuggled cigarettes ang isang 48-anyos na lalaki.
Hinuli ang suspek na kinilala sa alyas na “JR”, alas 10:45 ng umaga sa Barangay Manupal, Matalam, Cotabato.
Ayon sa ulat, nahuli ang suspek habang nagbababa ng mga kahon mula sa isang minivan. Sa isinagawang inspeksiyon, nadiskubre na ang mga kahon ay naglalaman ng hinihinalang ipinuslit na sigarilyo.
Nabigong magpakita ang suspek ng anumang legal na dokumento o permit para sa pagbebenta o pagbibiyahe ng mga naturang produkto.
Nakumpiska mula sa kanyang pag-iingat ang ₱50,291.20 na halagang na hinihinalang smuggled cigarettes.
Ang nahuli kasama ang mga nakumpiskang produkto, ay dinala sa Matalam MPS para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.



Comments