48-anyos na lalaki sa Polomolok, South Cotabato, kulong matapos ipatupad ang search warrant operation ng awtoridad na nagresulta sa pagkakakumpiska ng baril, bala, granada at suspected shabu
- Sep 18, 2025
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang 48 anyos na lalaki sa ipinatupad na search warrant ng awtoridad na nagresulta sa pagkakakumpiska suspected shabu, baril, bala at granada.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Apan”.
Inaresto ito, araw ng Martes, September 16 sa Brgy. Koronadal Proper, Polomolok, South Cotabato.
Ang nakumpiskang suspected shabu mula sa suspek ay nagkakahalaga ng 217,000 pesos.
Nasa kustodiya na ng Polomolok MPS ang supsek para sa proper documentation at paghahain ng kaso.



Comments