₱480M pondo, laan ng DA para sa farm-to-market roads sa South Cotabato sa 2026
- Diane Hora
- Feb 2
- 1 min read
iMINDSPH

Malaking tulong sa mga magsasaka at sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya ng South Cotabato ang ₱480 milyong pondo para sa farm-to-market roads (FMRs) na nasiguro ng administrasyon ni Governor Reynaldo Tamayo Jr., para sa taong 2026.
Ang pondo ay nagmula sa Department of Agriculture – Farm-to-Market Road Development Program sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act, kung saan inilaang ang kabuuang ₱480,090,000.00 para sa 19 FMR projects na ipapamahagi sa iba’t ibang lokalidad sa lalawigan.
Ayon kay Jennifer Ilao, Project Development Officer IV, naiplano na ng Office of the Provincial Planning and Development Coordinator (OPPDC) ang lokasyon ng mga FMR sa buong probinsya.
Batay sa plano, limang FMR ang itatayo sa Polomolok at Banga, apat sa Koronadal City, tatlo sa Tantangan, at tig-isa naman sa Norala at Lake Sebu.
Binigyang-diin ni Gobernador Tamayo ang kahalagahan ng patuloy na pagpapahusay ng road network ng lalawigan, partikular ang mga FMR.
Samantala, sinimulan na ng OPPDC, katuwang ang Office of the Provincial Engineer, ang mga preparatory works kabilang ang pagproseso at pag-download ng pondo para sa agarang implementasyon ng mga proyekto.



Comments