top of page

₱5.00- ₱26.00 ROLLBACK SA PRESYO NG LANGIS Bahagyang ginhawa para sa mga driver ng pampublikong sasakyan

  • Apr 14
  • 1 min read

iMINDSPH


Naitala ngayong araw, ang malawakang price rollback sa mga produktong petrolyo sa buong bansa.


Sa Cotabato City, nasa ₱5 hanggang ₱26 ang ibinaba sa diesel, habang ₱4 hanggang ₱5 naman sa unleaded at premium gasoline.


Ayon kay Dhen, isang payong-payong driver, mas gumagaan ang kanyang biyahe at kita dahil sa pagbaba ng presyo ng langis. Mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-siyete ng gabi ang kanyang pasada.


Samantala, para naman kay Omar, isang PUJ driver, hindi pa rin sapat ang rollback upang maramdaman ang tunay na ginhawa sa kanilang hanapbuhay, lalo na’t mataas pa rin ang presyo ng special gasoline na kanyang ginagamit.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page