top of page

5,000 SAKO NG TIG-5 KILO NG BIGAS Natanggap ng Sultan Kudarat LGU mula sa provincial government ng Maguindanao del Norte; Mayor Shameem Mastura, nagpasalamat sa pamahalaang panlalawigan sa natanggap n

  • 7 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Inilaan ng LGU Sultan Kudarat sa mga payong-payong drivers at habal-habal drivers sa bayan ang natanggap na limang libong sako ng tig-5 kilo ng bigas.


Ayon kay Mayor Shameem Mastura, kabilang ang mga ito sa mga sektor na patuloy na nagsusumikap sa kabila ng mga hamon sa kabuhayan.


Ipinahayag ng alkalde ang kanyang taos-pusong pasasalamat hindi lamang sa gobernador, kundi pati na rin kina Provincial Administrator Datu Sharifudin Mastura at Provincial COS Bai Idang Mastura sa kanilang malasakit at agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.


Dagdag pa ng alkalde, ang ganitong uri ng pagtutulungan at pagkakaisa ng pamahalaang panlalawigan at pamahalaang bayan ay patunay ng tunay na serbisyong may puso, lalo na para sa mga nasa sektor ng transportasyon na araw-araw na nagsisilbi sa komunidad.


Patuloy namang tiniyak ng lokal na pamahalaan na ang tulong ay maipamamahagi nang maayos at makarating sa mga tunay na benepisyaryo.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page