top of page

5.1 million pesos halaga ng smuggled cigarettes, nasabat ng awtoridad sa isang checkpoint sa General Santos City

  • Teddy Borja
  • Sep 3
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nasabat ng awtoridad ang 5.1 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes sa isang checkpoint sa General Santos City.


Arestado naman ang driver at pahinante ng sasakyan na kinargadahan ng mga kontrabando.


Kinilala ang mga naaresto na si alyas “Sahid”, 32-anyos, at isang alyas “Aldo”, 31 years old, residente ng Polomolok, South Cotabato.


Nahuli ang mga ito, alas 3:00 ng madaling araw, September 1 sa Purok Cabu, Barangay Bawing.


Ayon sa ulat, pinara ng pinagsanib na pwersa ng Police Station 5 at City Mobile Force Company ng General Santos City Police Office, kasama ang Regional Mobile Force Battalion 12, Task Force GenSan, at RID 12 Tracker Teams Golf at Foxtrot, ang isang truck.


Sa inspeksyon, nakita agad ng mga operatiba ang ilang kahon ng hindi dokumentadong sigarilyo.


Nakumpiska mula sa mga suspek ang 130 boxes ng ipinuslit na sigarilyo.


Ang mga suspek, kasama ang truck at smuggled cigarettes, ay nakatakdang i-turn over sa Bureau of Customs para sa kaukulang disposisyon.


Pinuri naman ni PBGEN Arnold Ardiente, Regional Director ng PRO 12, ang maagap na aksyon ng mga operatiba at muling iginiit ang matatag na paninindigan ng pulisya laban sa smuggling.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page