top of page

5 INDIBIDWAL, ARESTADO; DRUG DEN, NILANSAGSa isinagawang operasyon ng awtoridad sa Poblacion, Marawi City

  • 5 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH

Sa Marawi City —

Arestado ng pulisya habang umano'y nag po-pot session ang limang hinihinalang drug personalities. Nilansag din awtoridad ang drug den sa lugar. Nagsagawa ng operasyon ang Marawi City Police Station matapos makatanggap ng report kaugnay sa umano’y pot session sa isang bahay na pagmamay-ari ng isang alyas “Hafis”.


Agad rumesponde ang mga operatiba at sa kanilang pagdating ay naaktuhan ang mga suspek na gumagamit umano ng ilegal na droga.


Nakumpiska ang dalawang sachets ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 5.17 gramo at halagang umaabot sa ₱35,156.


Narekober din ang iba’t ibang drug paraphernalia kabilang ang improvised glass tooter, gunting, at weighing scale.


Dinala ang mga naarestong suspek at mga ebidensya sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.


Inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek sa paglabag sa Republic Act 9165.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page