top of page

5 indibidwal, arestado sa buy-bust operation sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte; ₱232,628.00 halaga ng suspected shabu nasamsam ng awtoridad

  • Teddy Borja
  • May 29
  • 1 min read

iMINDSPH



Arestado ang isang high value drug personality at apat pang kasama nito matapos isagawa ang buy bust operation sa Sultan Kudarat.


Kinilala ang naarestong high value personality na si alyas "Soy".


Inaresto ito matapos na makabili ang isang poseur-buyer ng suspected shabu.


Ayon sa awtoridad, nahuli naman sa akto na nagpa pot session ang apat pang suspek at agad na inaresto.


Narekober ng mga awtoridad ang tinatayang 34 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang street value na ₱232,628.00, kasama ang isang caliber .45 pistol na may magazine at live ammunition at iba’t ibang drug paraphernalia.


Nasa kustodiya na ngayon ng Sultan Kudarat Municipal Police Station ang mga naarestong indibidwal para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

 
 
 

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page