5 lalaki sa Cotabato City, kabilang na ang umano’y drug den maintainer, arestado sa buy-bust operation; Drug Den sa lugar, nilansag
- Teddy Borja
- Sep 12
- 1 min read
iMINDSPH

Huli ang limang drug suspects, kabilang na ang umano’y drug den maintainer at giniba ng awtoridad ang isang drug den sa buy-bust operation.
Himas rehas si alyas “Poli”, ang sinasabing drug den maintainer, 20 years old, isang alyas “Prince”, 20 years old, isang alyas “Mujiv”, 23 years old, isang alyas “Nor”, 32 years old, at isang alyas "Saod", 26 years old, driver.
Ito’y matapos mahuli sa ikinasang buy-bust operation,araw ng Miyerkules, September 10 sa Barangay Rosary Heights 6.
Nakuha sa operasyon ang 19 na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na tumitimbang ng 6.5 gramo ng suspected shabu na may standard drug price na Php 44,200.00.
Narekober din ng awtoridad ang buy-bust money, iba’t ibang drug paraphernalia, identification card, at mobile phone.
Haharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments