top of page

5 MENOR DE EDAD, NASAWI; 1 NAKALIGTAS Matapos malunod sa isang pond sa Barangay Panoroganan, Marawi City

  • Apr 17
  • 1 min read

iMINDSPH


Limang menor de edad ang nasawi habang isa ang nakaligtas sa isang insidente ng pagkalunod sa isang pond sa Phase 2, Permanent Shelter sa Barangay Panoroganan.


Ayon sa awtoridad, nangyari ang insidente bandang alas-11:00 ng umaga noong Abril 15, ngunit nai-report lamang sa pulisya kinabukasan, Abril 16, alas-1:30 ng hapon.


Ang mga nasawi ay edad pito, siyam, sampu at labing isang taong gulang.


Nakaligtas naman ang isang walong taong gulang na bata.


Lumabas sa imbestigasyon na gumagamit umano ng sirang refrigerator ang batang nakaligtas bilang improvised flotation device. Habang itinutulak umano nito ang sirang refrigerator ay nawalan umano ito ng balanse at nahulog.


Sinubukan siyang sagipin ng kanyang mga kasama sa pamamagitan ng paglangoy, pero pagdating sa malalim na bahagi, isa-isa rin umano silang nalunod.


Matapos ang ilang oras na rescue at retrieval operations na isinagawa ng mga awtoridad at mga residente, narekober ang anim na bata at agad dinala sa Amai Pakpak Medical Center para sa agarang atensyong medikal.


Gayunman, lima sa kanila ang idineklarang dead on arrival ng attending physician, ayon sa awtoridad habang si Fatma ay nakaligtas.


Ayon sa pamilya, inuwi na ang mga labi ng mga nasawi sa kani-kanilang lugar sa Lanao del Sur, kabilang ang Ganassi at Masiu, para sa agarang paglilibing alinsunod sa Islamic traditions.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page