50-anyos na lalaki na Top 10 Most Wanted ng PNP PRO 12, arestado sa Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat
- Teddy Borja
- 20 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Kalaboso ang isang limampung taong gulang na lalaki na Top 10 Most Wanted Person ng PNP PRO 12 na nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act
Inaresto ang suspek araw ng Linggo, November 2 sa Purok Pag-asa, Barangay Tinalon ng bayan.
Ito ay sa bisa ng Warrant of Arrest.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Fred”.
Dinala na sa Senator Ninoy Aquino MPS ang suspek para sa proper documentation at disposition.



Comments