top of page

50 indigent families sa Sulu, nakalipat na sa bagong bahay mula sa KAPYANAN Program

  • Diane Hora
  • Aug 26
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Limampung (50) indigent families sa Barangay Tubig Dakulah ang tuluyan nang nakalipat sa bago at mas ligtas na tahanan matapos ang pormal na turnover ng mga core shelters na kumpleto sa solar-powered lighting at water system, sa ilalim ng Kapayapaan sa Pamayanan (KAPYANAN) program ng Office of the Chief Minister (OCM).


Noong Lunes, August 18, personal na itinurn-over ni KAPYANAN Chief Engineer Anwarodin Tumagantang ang susi kay Barangay Chairman Alman Uding, na nag-donate ng 1.5-hectare lot kung saan itinayo ang mga housing units.


Nagpasalamat si Udin kay former Chief Minister Ahod Ebrahim, na nag-umpisa ng proyekto, at kay Chief Minister Abdulraof Macacua, na ipinagpapatuloy ang programa para sa kapakanan ng mga residente.


Ang KAPYANAN ay isa sa mga flagship programs ng OCM na naglalayong magbigay ng decent at dignified housing para sa mga pinakamahihirap na pamilya, bilang bahagi ng pangarap ng Bangsamoro Government na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan at inclusive socio-economic development.


Bagama’t ang Sulu ay opisyal nang nasa ilalim ng Region 9 matapos ang desisyon ng Supreme Court at paglabas ng Executive Order 91 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tiniyak ng Bangsamoro Government na patuloy pa ring makikinabang ang Sulu sa mga serbisyo at proyekto ng gobyerno.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page