top of page

500 residente ng Sultan Kudarat, benepisyaryo sa hatid na medical and dental services ng tanggapan ni BTA Deputy Speaker Ishak Mastura, katuwang ang Cotabato Regional and Medical Center

  • 21 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-9 Kudaraten Festival, matagumpay na nagsagawa ng medical at dental mission ang tanggapan ni BTA Deputy Speaker Ishak Mastura sa mga residente ng Sultan Kudarat.


Isinagawa ito araw ng Sabado sa municipal gymnasium ng bayan sa Barangay Dalumangcob


Sumailalim sa libreng konsultasyon ang mga benepisyaryo, nabigyan ng gamot, at nakapagpabunot ng ngipin.


Katuwang ng mambabatas sa naturang aktibidad ang Cotabato Regional and Medical Center at ang lokal na pamahalaan ng Sultan Kudarat.


Ayon kay Deputy Speaker Mastura, mahalagang mapalakas pa ang serbisyong medikal hindi lamang sa bayan ng Sultan Kudarat kundi pati na rin sa munisipalidad ng Sultan Mastura upang mas marami pang mamamayan ang maabot ng tulong.


Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente ng Barangay Dalumangcob sa natanggap na tulong medikal at dental na malaking ginhawa anila, lalo na para sa mga pamilyang may limitadong kakayahang pinansyal.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page