500 residente ng Sultan Mastura, nakatanggap ng fortified rice sa ilalim ng SECURE Program
- Diane Hora
- Jan 21
- 1 min read
iMINDSPH

Layunin ng programang ito na suportahan ang disaster preparedness at resilience ng mga pamilya, sa pamamagitan ng masustansiyang pagkain na makatutulong upang mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng mga kabahayan, lalo na sa panahon ng sakuna.
Ang Lokal na Pamahalaan ng Sultan Mastura, sa pamamagitan ni Datu Rauf Mastura, Municipal Administrator, ay nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat sa World Food Programme, gayundin sa mga kasapi ng PMC mula sa MAFAR, MSSD, MPDC, at MDRRMO, pati na rin sa iba pang katuwang na ahensya na patuloy na sumusuporta sa kapakanan ng komunidad.
Ayon sa mga opisyal, ang ganitong uri ng programa ay mahalaga upang mas maging handa at mas matatag ang mga komunidad laban sa epekto ng kalamidad at iba pang hamon sa kabuhayan.



Comments