500K pabuya, ibibigay sa sinumang makapagbigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng mga salarin sa pagpaslang sa SK chairman ng Poblacion 5, Cotabato City at sa kapatid nito
- Diane Hora
- Oct 6
- 1 min read
iMINDSPH

Mariin na kinondena ng Cotabato City Government ang nangyaring pagpaslang sa Sangguniang Kabataan Chairperson ng Poblacion 5, Cotabato City na si Mohaz Salvador Matanog.
Ipinag-utos din ng alkalde sa Cotabato City PNP ang bilisan ang pagsasagawa ng imbestigasyon at panagutin ang mga may sala sa krimen.
Limandaang libong piso na pabuya ang ibibigay sa sinumang makapagbigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng mga salarin.
Ilang linggo lang ang nakalipas nang mabaril ang chairperson ng Barangay Poblacion 5 na si Fahima Pusaka.
Nasawi sa pamamaril ang mister nito at isang payong-payong driver. Sugatan naman ang kapitan at dalawang anak nito
Limang daan libong piso ang ibibigay ng reward ni Mayor Matabalao sa makapagtuturo sa mga salarin sa pamamaril.
Hustisya ang mahigpit na pangako ng alkalde sa parehong kaso.



Comments