₱50M SMUGGLED CIGARETTES AT MGA ARMAS Nasamsam ng mag awtoridad sa police operation sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte; armas, napasakamay
- Apr 6
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte —
₱50 million halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes at mga armas ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang anti-smuggling operation.
Ang mga pinaniniwalaang puslit na sigarilyo ay nakasilid sa 1,170 kahon.
Nadiskubre ang mga kontrabando malapit sa pampang ng ilog, tumakas naman ang mga hindi pa nakikilalang suspek nang mapansin ang pagdating ng mga awtoridad.
Bukod sa mga sigarilyo, narekober din sa lugar ang dalawang M79 grenade launcher.
Ang mga nakumpiskang sigarilyo ay itinurn-over sa Bureau of Customs, habang ang mga armas ay nasa kustodiya ng pulisya para sa forensic examination at kaukulang disposisyon.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang mga responsable sa nasabing iligal na aktibidad.



Comments