top of page

₱53 MILLION HALAGA NGSMUGGLED PHARMACEUTICALS Nasabat ng pulisya sa isinagawang anti-smuggling operation sa Maynila

  • Apr 8
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa Maynila —

₱53 milyong halaga ng mga hinihinalang smuggled pharmaceutical products at iba pang kalakal ang nasabat ng Bureau of Customs sa isinagawang inspeksyon sa Manila International Container Port. Pinangunahan ng Customs Commissioner ang inspeksyon sa shipment na nagmula sa China na unang idineklara bilang 1,144 na pet cages.


Gayunman, sa isinagawang spot check, nadiskubre ang ilang undeclared medicines kaya agad na inirekomenda ang 100% physical examination ng kargamento.


Sa isinagawang pagsusuri, natuklasan ang 336 na kahon ng pharmaceutical products na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱33.3 milyon, at 406 na kahon ng iba pang kalakal tulad ng electronics, cosmetics, automotive parts, hardware, at iba pang accessories na aabot naman sa ₱19.6 milyon.


Ayon sa Bureau of Customs, ang shipment ay walang kaukulang permit mula sa Food and Drug Administration o FDA, na paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at Republic Act 9711 o ang FDA Act of 2009.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page