53 security guards, matagumpay na nakuha ang kanilang pro-rated 13th month pay, cash bond, at firearms bond matapos ang settlement na pinangasiwaan ng MOLE sa pagitan ng isang local security agency
- Diane Hora
- 47 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Muling pinangunahan ng Ministry of Labor and Employment (MOLE) ang pag-aayos ng isang labor case na kinasasangkutan ng isang local security agency noong Agosto 20, kung saan 53 security guards ang nakatanggap ng kanilang matagal nang hinihintay na benepisyo.
Bawat security guard ay nakatanggap ng kaukulang pro-rated 13th month pay, cash bond, firearms bond, at refund mula sa isang third-party insurance provider.
Umabot sa kabuuang ₱381,711.88 ang halaga ng settlement na inilabas pabor sa mga empleyado, na naisakatuparan sa ilalim ng Single Entry Approach (SEnA) ng MOLE’s Labor Case Management Program (LCMP).
Comments