54-anyos na lalaki sa Tulunan, Cotabato, arestado matapos isilbi ang warrant of arrest sa kasong carnapping
- Teddy Borja
- Oct 3
- 1 min read
iMINDSPH

Tiklo ang isang 54-anyos na lalaki na kabilang sa Top 9 Most Wanted Person ng PNP PRO 12 na nahaharap sa kasong carnapping.
Inaresto ang suspek na kinilala sa alyas na “Allan”, araw ng Huwebes, October 2 sa Barangay Sibsib ng bayan.
Inaresto ito ng joint operatives ng Tulunan Municipal Police Station, Cotabato Police Provincial Office, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) North Cotabato Provincial Field Unit, at North Cotabato Provincial Highway Patrol Team.
Nasa kustodiya na ng Tulunan MPS ang suspek para sa documentation at proper disposition.



Comments