top of page

550 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P3.7 million pesos, nasamsam ng mga tauhan ng PNP PRO 12 sa Polomolok, South Cotabato; High Value Individual, timbog sa operasyon

  • Teddy Borja
  • Aug 29
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nasamsam ng mga tauhan ng PNP PRO 12 ang 3.7 million pesos na halaga ng supsected shabu sa ikinasang operasyon sa Polomolok, South Cotabato. Timbog din sa operasyon ang isang High Value Individual.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Jimuel”, 48-anyos, residente ng San Isidro, General Santos City.


Inaresto ito, araw ng Huwebes, August 28, 2025 sa Barangay Silway 8, Polomolok.


Nakumpiska mula sa suspek ang 11 sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na 550 gramo.


Kabilang din sa mga narekober ang isang android cellphone, isang pitaka na may iba’t ibang identification cards, at buy-bust money.


Dinala ang suspek at mga ebidensya sa Polomolok MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page