561 ASO, PUSA, AT UNGGOY, NABAKUNAHAN SA UPI sa ikinasang anti-rabies drive ng Maguindanao del Norte Provincial Government kasunod ng pagsusulong ng anti-rabies community program sa buong lalawigan
- Apr 10
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ang Mass Anti-Rabies Vaccination sa Upi noong Abril 7–8, 2026, kung saan umabot sa 561 aso at pusa, pati 1 unggoy, ang nabakunahan sa barangay Nuro, Borongotan, Darugao, at Nangi.
Layunin ng hakbang ayon sa pamahalaang panlalawigan na maprotektahan hindi lamang ang mga alagang hayop kundi pati ang kalusugan ng publiko laban sa rabies.
Isinagawa ang vaccination drive sa ilalim ng direktiba ni Governor Datu Tucao Mastura, bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng pamahalaang panlalawigan para sa animal at public health.
Nagpasalamat din ang provincial government sa suporta ni Mayor Ma. Rona Cristina Piang-Flores, pati sa mga barangay officials na tumulong sa maayos na implementasyon ng programa.
Kinilala rin ang mahalagang papel ng mga pet owners na aktibong nakiisa sa vaccination drive—isang hakbang tungo sa rabies-free at mas ligtas na komunidad.
Sa pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan, patuloy na isinusulong ng kasalukuyang administrasyon ang kalusugan at kapakanan ng bawat komunidad sa lalawigan sa ilalim ng DTOM o Development, Transformation, at Opportunity para sa Maguindanao del Norte



Comments