top of page

57-ANYOS NA BABAE, ARESTADO Matapos makuhanan ng tinatayang ₱6,800 halaga ng suspected shabu sa Barangay Ilian

  • Mar 23
  • 1 min read

iMINDSPH



Nahuli ang suspek matapos makabili ang isang poseur-buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 0.125 grams na may halagang ₱850.


Sa isinagawang body search, narekober pa ang pitong (7) karagdagang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 0.875 grams at halagang ₱5,950.


Nakuha rin mula sa suspek ang isang piraso ng aluminum foil, buy-bust money na ₱100, dalawang tig-₱50 na papel na pera, at isang coin purse.


Sa kabuuan, umabot sa humigit-kumulang isang (1) gramo ang nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga na may kabuuang halagang ₱6,800.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 12 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sultan Naga Dimaporo Municipal Police Station ang suspek habang isinasailalim sa karampatang proseso ang kaso laban sa kanya.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page