₱57K halaga ng smuggled cigarettes, nakumpiska; Tindera, arestado
- Teddy Borja
- Jan 28
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang tindera matapos makumpiskahan ng iba’t ibang uri ng hinihinalang smuggled cigarettes sa isang anti-smuggling operation.
Inaresto ang may-ari ng tindahan na kinilalang si alyas “Mira”, 22 taong gulang, may asawa at residente ng nasabing barangay, matapos mabigong makapagpakita ng anumang dokumento o permit na magpapatunay ng legal na pagmamay-ari at pagbebenta ng nasabing sigarilyo.
Nakumpiska mula sa suspek ang iba’t ibang brand ng sigarilyo na may kabuuang tinatayang halaga na ₱57,501.70.
Ang mga nakumpiskang sigarilyo ay isasailalim sa kustodiya ng Bureau of Customs para sa tamang disposisyon, habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act laban sa suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 5.



Comments