583 sako ng bigas, ipinamahagi ng tanggapan ni Member of Parliament Atty. Naguib Sinarimbo sa 12 barangay sa lungsod ng Cotabato
- Diane Hora
- Oct 17
- 1 min read
iMINDSPH

October 15, 2025, mahigit 50 residente ng Rosary Heights 13, Cotabato City ang nakatanggap ng tulong na bigas handog ng tanggapan ni Member of Parliament Atty. Naguib Sinarimbo bilang bahagi ng community engagement ng opisyal sa ilalim ng constituency building efforts nito.
Simula nang pagbubukas muli ng mga serbisyo, nakapagbigay na ng 583 bags ng bigas para sa 12 barangay sa lungsod ang mambabatas.
Layunin nitong matulungan sa kabuhayan ang mga volunteer community leaders sa lungsod na katuwang sa pagpapaabot ng serbisyo at programa.
Ang mga community leaders na ito ay nagsisilbi rin bilang advocates at tumutulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang mga komunidad.
Nagpapasalamat naman si MP Sinarimbo kay BARMM Chief Minister Abdulraof "Sammy Gambar" Macacua sa patuloy na pagsuporta sa mga programa nito sa komunidad.



Comments