top of page

59-anyos na pumasa sa 2025 BAR examinations, 11 beses kumuha ng pasulit bago pumasa

  • Jan 8
  • 1 min read

iMINDSPH


Kabilang sa 2025 Bar passers ang 59-anyos na si Eduardo Rivera Regio


Naging matagumpay si Eduardo matapos ang kanyang ika-labing-isang attempt.


Unang kumuha ng Bar Examinations si Regio noong 1993.


Sa ilalim ng “five-strike rule” ng Korte Suprema, nililimitahan sa limang beses ang pagkuha ng Bar at kinailangan ng refresher course para sa ika-apat at ikalimang pagtatangka.


Muling nabigyan ng pagkakataon si Regio na kumuha ng Bar Examinations noong 2015, isang taon matapos alisin ng Korte Suprema ang naturang patakaran.


Ayon kay Regio, ang kanyang mga anak ang nagsilbing inspirasyon upang ipagpatuloy ang laban sa kabila ng paulit-ulit na kabiguan.


Iginiit din niya na wala naman mawawala sa muli niyang pagsubok sa kabila ng mga hamon at pagkabigo.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page