top of page

₱6.8M HALAGA NG HINIHINALANG SHABU nasabat ng awtoridad sa buy-bust operation sa Barangay Panta, Lumbatan

  • 4 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Nasamsam ng awtoridad ang 6.8 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Pantar, Lumbatan, Lanao del Sur. Arestado ang tatlong indibidwal at nasabat ang humigit-kumulang 1,000 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱6.8 milyon sa buy-bust operation noong Marso 24, 2026, bandang alas-4:30 ng hapon sa Barangay Pantar, Lumbatan.


Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa na pinangunahan ng Provincial Drug Enforcement Unit at Provincial Special Operations Group ng Lanao del Sur Provincial Police Office, katuwang ang Regional Drug Enforcement Unit, Regional Special Operations Group, at iba pang yunit.


Kabilang sa mga nasamsam ang motorsiklo, at isang kotse.


Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.


Dinala ang mga ito at ebidensya sa Lanao del Sur Provincial Police Office para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.


Pinuri naman ni PBGen Jaysen De Guzman, Regional Director, ang mga operatiba sa matagumpay at koordinadong operasyon laban sa ilegal na droga, at binigyang-diin ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na pagpapatupad ng batas para sa kaligtasan ng komunidad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page