₱6.8M SUSPECTED SHABU, NASAMSAM; 3 DRUG PERSONALITIES, ARESTADO; sa isinagawang police operation sa Lumbatan, Lanao del Sur
- Apr 6
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Lumbatan, Lanao del Sur —
₱6.8 million halaga ng hinihinalang iligal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation. Arestado rin sa operasyon ang tatlong hinihinalang drug personalitie Ayon sa awtoridad, isinilid ang suspected shabu sa knot-tied transparent plastic bags na may bigat na humigit-kumulang 1,000 grams o isang kilo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱6,800,000.
Narekober din ang isang marked ₱1,000 bill, isang sling bag, isang motorsiklo, at isang kotse na ginamit umano sa transaksyon.
Ang mga nakumpiskang ebidensya at mga suspek ay dinala sa Lanao del Sur Provincial Police Office para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.
Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments