6 rubber clusters sa probinsya ng Basilan, lumagda ng MOU sa pagitan ng Head Sport Philippines
- Jan 15
- 2 min read
iMINDSPH

Isang mahalagang milestone para sa rubber industry ng lalawigan ang naabot matapos lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang anim na rubber clusters sa Basilan at ang Head Sport Philippines, Inc. noong January 8, 2026, sa Anflo Industrial Estate.
Ang partnership ay bahagi ng FAIR VALUE Project, na pinondohan ng European Union at ipinatutupad ng Food and Agriculture Organization of the United Nations, International Organization for Migration, at International Trade Centre, katuwang ang Bangsamoro Government sa pamamagitan ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform.
Ang anim na rubber clusters ay nagsisilbing anchors sa loob ng isang social enterprise model, kung saan sila ang nangunguna sa production coordination at engagement with market actors.
Kabilang dito ang Linuan Farmers & Producers Cooperative; Mahatallang ARBs Multi-Purpose Cooperative; Bud Tapsil Farmers Agriculture Cooperative; Canas ARBs Agricultural Development Cooperative; Mangal ARBs Development Cooperative; at Paapenan Lookbait Association.
Layunin ng MOU na magtatag ng fair at reliable market arrangement sa pamamagitan ng malinaw na pagtukoy sa quality standards, pricing references, volumes, at delivery terms.
Sa ilalim ng kasunduang ito, magkakaroon ang rubber farmers ng mas malinaw na market expectations at mas predictable income. Kasama rin sa kasunduan ang pagpapataas ng quality at reliability ng rubber cup lumps sa pamamagitan ng adoption ng agreed good agricultural and post-harvest practices, upang matugunan ang buyer specifications at mabawasan ang quality at supply risks.
Bukod dito, layon ng MOU na i-operationalize ang isang long-term market partnership sa pamamagitan ng pilot trading, regular buyer–farmer coordination, at access sa technical at investment support—mga hakbang na magpapatibay sa tuloy-tuloy na participation ng mga magsasaka sa formal markets.
Kinatawan ng BARMM Government sa aktibidad sina Engr. Ismail Guiamel, Hanie Junuban, Manny Muari, at Datu Hamsur Zaid.
Samantala, mula sa FAIR VALUE Project ay dumalo sina Erina Yamashita, Joniel Gedoria, Jay Supetran, at Gilda Arasalun.
Mahalaga rin ang papel ng Bangsamoro Agri-Enterprise Program, na pinondohan ng European Union, sa pagbibigay ng financial assistance, training, at market access opportunities para sa farmers, fisherfolk, at agripreneurs. Bilang isa sa mga flagship programs na nagtutulak ng agribusiness development sa BARMM, layon ng BAEP na palakasin ang economic growth, food security, at inclusive at sustainable development.
Ang MOU signing na ito ay naisakatuparan sa ilalim ng FAIR VALUE Project, sa mahigpit na kolaborasyon ng EU-BAEP CRESCENT at MAFAR—isang konkretong hakbang tungo sa mas maraming ani at mas matatag na kita para sa rubber farmers ng Basilan.



Comments