60 bahay na may solar-powered lights at water system components, itinurnover ng KAPYANAN Program sa mga residente ng Barangay Kabungkol, Talipao, Sulu
- Feb 4
- 1 min read
iMINDSPH

Itinurnover na ng BARMM government ang animnapung bahay sa mga residente ng Kabungkol, Talipao, Sulu na proyekto sa ilalim ng KAPYANAN program na pinangunahan ni Jordan Katog, ang kinatawan ni KAPYANAN Project Manager Abdullah “Dong” Cusain at BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua.
Sinaksihan ang turnover ng mga local government unit officials at traditional leaders.
Ang KAPYANAN program ay naglalayon na magbigay ng disenting pabahay at essential services sa Bangsamoro kabilang na ang komunidad ng Sulu na patuloy na kinilala ang naging kontribusyon sa Bangsamoro Struggle bagama’t sakop na ito ng Region IX.



Comments