iMINDSPH

Kinilala ang biktima na si Kadtog Alamada, 64 years old, residente ng Brgy. Nes, Midsayap, North Cotabato.
Binaril ito alas 8:50 kagabi sa Matagabong, Ampatuan, Maguindanao del Sur.
Sa report ng otoridad-
Nadatnan ang biktima sa crime scene na may dalawang gunshot wounds sa pisngi.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang basyo mula sa di pa matukoy na baril.
Tatlong hindi pa kilalang suspek umano ang dumating sa bahay ng biktima na nagtatanong hinggil sa itlog ng pato at agad binaril ang biktima.
Agad tumakas ang mga salarin matapos ang insidente habang inaalam pa ang motibo sa krimen.
Comentários