top of page

₱644K SMUGGLED CIGARETTES Nasamsam sa anti-smuggling operation ng awtoridad sa Polomolok, South Cotabato; Vendor, arestado

  • Mar 4
  • 1 min read

iMINDSPH



₱644K halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes ang nasamsam ng mga awtoridad matapos ang isinagawang anti-smuggling operation.


Isinagawa ang operasyon bandang 2:25 ng hapon, araw ng Lunes, March 2 sa isang Sari-Sari Store kung saan naaresto ang suspek na kinilala sa alyas na “Frauline”, 29 anyos, isang vendor at residente ng nasabing barangay.


Nagsagawa ng verification operation ang mga operatiba ng Regional Intelligence Division 12 ng Police Regional Office 12 katuwang ang Regional Mobile Force Battalion 12 sa ilalim ng STF PLUTUS, at ang Polomolok Municipal Police Station, matapos makatanggap ng impormasyon na umano’y nagbebenta ng smuggled cigarettes ang tindahan.


Habang nasa loob ng establishimento, napansin ng mga operatiba ang ilang karton ng sigarilyo na lantad na naka-display sa parking area, dahilan upang agad itong kumpiskahin at arestuhin ang suspek.


Nakumpiska ang kabuuang 217 reams ng New Berlin, 122 reams ng King Perfect, 111 reams ng Cannon, 19 reams ng Caspro, 40 reams ng Greenhill, at 240 reams ng Gajaj Baru, na may tinatayang kabuuang halaga na ₱644,941.00.


Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa wastong dokumentasyon at pagsasampa ng kaso. Ang mga nakumpiskang sigarilyo ay nakatakdang i-turn over sa Bureau of Customs sa General Santos City para sa kaukulang disposisyon.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act, at Republic Act 10643 o Graphic Health Warnings Law.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page