65-anyos na lalaki na Top 10 Most Wanted ng PNP PRO 12, arestado sa Isulan, Sultan Kudarat
- Teddy Borja
- Oct 8
- 1 min read
iMINDSPH

Napasakamay ng awtoridad ang Top 10 Most Wanted ng rehiyon dose na nahaharap sa kasong 2 counts of rape.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Nono”, 65 years old, residente ng Koronadal City.
Inaresto ito, araw ng Lunes, October 6 sa Barangay Kolambog, Isulan.
Ang operasyon ay resulta ng mahigpit na koordinasyon ng iba’t ibang yunit ng pulisya
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest.
Dinala na ang suspek sa Koronadal City Police Station para sa tamang dokumentasyon at karampatang disposisyon alinsunod sa utos ng korte.



Comments