₱658K HALAGA NG SMUGGLED CIGARETTES Nasabat sa checkpoint at hot pursuit operation ng awtoridad sa Sultan Kudarat
- Apr 14
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Sultan Kudarat—
Mahigit ₱658k halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat ng pulisya sa isinagawang checkpoint operation sa Esperanza Isinagawa ang checkpoint operation ng Esperanza Municipal Police Station, katuwang ang 1st at 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Companies at 202nd Maneuver Company ng RMFB 12.
Ayon sa awtoridad, bandang 1:45 PM, isang SUV sa checkpoint ang hindi huminto at sapilitang bumangga sa police line, dahilan upang maglunsad ng hot pursuit operation ang mga awtoridad.
Natagpuan ang sasakyan na inabandona sa national highway sa Brgy. Dukay, Esperanza.
Sa isinagawang inspeksyon, nakumpiska ang tinatayang 770 reams ng smuggled cigarettes na may halagang ₱658,873.00.
Batay sa narekober na BIR ID, isa sa mga sakay ng sasakyan ay residente ng Parang, Maguindanao del Norte.
Ayon sa ulat, nakatakas ang mga suspek at lumipat umano sa isang commuter van patungong Isulan, Sultan Kudarat.
Patuloy ang follow-up operation at inilabas na ang flash alarm para sa agarang pagkakaaresto ng mga tumakas.



Comments